"I love you" he whispered habang yakap yakap niya ang babae.
The girl just chuckled before answering him.
"I love you more than anything babe" she said while smiling.
After that scene, napunta ako sa ibang lugar.
"THE PLEASURE BAR"
Basa ko sa karatula na nakalagay sa itaas ng gusali.
Hindi ko alam kung bakit kahit ayaw ng isip ko na pumasok, parang ayaw umayon ng mga paa ko sa isip ko.
Mausok, madilim na kapaligiran na may mga maliliit at makukulay na ilaw ang nadatnan ko sa loob.
Agad kong inilibot ang mga mata ko sa paligid.
Habang inililibot ko ang mga mata ko, napako ang tingin ko sa isang parte ng bar kung saan may nakita akong dalawang taong naghahalikan.
Naglakad ako papalapit sa kanila. Habang papalapit ay palakas ng palakas ang pintig ng puso ko.
Nang malapit na ako ay bigla akong napatigil nang may isang babaeng umiiyak ang lumapit sa kanila.
Nakatingin lang sya sa dalawa habang may luha na umaagos mula sa mga mata nya.
Napahawak ako sa dibdib ko. Shit ang sakit ng dibdib ko. Para bang ako ang babaeng umiiyak ngayon sa harap ko.
Nang ihiwalay ng lalaki ang labi sa babaeng kahalikan ay napatingin siya sa direksyon ng babaeng umiiyak. May gulat na rumihistro sa mukha niya pero agad din iyong napalitan ng malamig na ekspresyon.
"Anong ginagawa mo rito?" cold na tanong niya sa babaeng umiiyak habang biglang lumapit ang babaeng kahalikan niya at sumiksik dito.
"B-babe" hindi makapaniwalang saad ng umiiyak na babae habang humihikbi.
Biglang lumambot ang ekspresyon ng lalaking ngunit makikita na pinipigilan niya ito.
"Don't call me that thing will you? Naaalibadbaran ako" cold na sabi nya.
Mas lalong napaiyak ang babae ngunit pinilit niya pa ring magsalita.
"P-please *sobs* p-pag-usapan naman natin 'to oh *sobs* w-wag 'yong g-anito" uutal utal na sabi ng babae.
"Can't you see? Nagi-enjoy pa 'ko dito. Will youjust please get out of my sight? Umuwi ka na" matigas na sabi niya.
Umiling iling yung babae habang patuloy pa ring umiiyak.
"Babe please?" nagmamakaawang sambit niya.
Galit na tumayo ang lalaki at marahas na hinila ang braso ng babae palabas ng bar. Agad ko naman silang sinundan.
Pagkadating sa labas ng bar ay marahas ding binitawan ng lalaki ang braso ng babae.
"Ano bang kailangan mo ha?!" sigaw ng lalaki sa babae.
Mas lalong humikbi ang babae dahil sa inasta ng lalaking nasa harap.
Argh! Why am I also crying? Bakit ako umiiyak na para bang ako ang babaeng 'yun?
"B-babe pag-usapan na-tin 'to *sobs* p-please?"
Sarcatic na tumawa ang lalaki.
"Pag-usapan? Wala na tayong dapat pang pag-usapan Lucille. You cheated on me for Pete's sake and nakita 'yon ng dalawang mata ko! Alam mo ba kung gaano kasakit 'yon?! It's fucking hurt like bullshit! Now, sabihin mo sa'kin paano mo ipapaliwanag 'yon?!" galit na galit na sigaw niya.
"K-kent please? *sobs* h-hayaan mo naman akong ma-gpaliwanag oh" pagmamakaawa nung babae.
"No need, I don't need an explanation coming from you. What I've seen was enough explanation"
"*sobs* D-don't you t-trust me?" tanong ng babae na nagpatigil sa lalaki.
Napayuko ang lalaki bago magsalita.
"I trust you..." he paused and stared at her.
"..but that was before I caught you cheating on me" naiiyak na sambit niya bago tumalikod at nagsimulang maglakad papaalis.
Agad na hinabol ng babae ang lalaki at niyakap mula likod.
"K-kent, please? You've said you love me, sabi mo mahal mo 'ko but why don't you listen to me first?"
He sarcastically chuckled.
"Then maybe I don't really loved you at all"
Napabitaw si Lucille mula sa pagkakayakap kay Kent. Shit why do I have this feelings na parang ako 'yong sinabihan no'n? Fuck, I can't explain the pain that I'm feeling at this moment.
"K-kent, y-you're lying. H-hindi yan totoo 'd-di ba? Nasasaktanka lang ngayon 'd-di ba? K-kent"
"L-lahat ng mayro'n tayo ay isang kasinungalingan lang. I don't really love you. Si G-gaia ang totoong mahal ko at g-ginamit lang kita para mapalapit sa kanya"
Shit shit! Napaupo na ako sa sahig sa hindi malamang kadahilanan. A-ang sakit. Hindi ko alam kung saan nanggagaling 'yong sakit na 'yon.
Umatras nang umatras si Lucille habang marahang umiiling. Umatras lang sya nang umatras hanggang sa bigla na lang siyang tumakbo papalayo. Agad ko siyang sinundan.
Takbo lang siya nang takbo.
Malayo na siya mula sa akin.
Habang patakbo siyang tumatawid ay hindi niya namalayan na may humaharurot na truck na papunta sa direksyon niya.
Nakita ko na napatigil siya sa gitna ng kalsada nang mapansin ang truck.
Shit! Sumigaw ako nang sumigaw pero tila wala siyang naririnig. Tumakbo ako nang mabilis papunta sa direksyon niya para iligtas siya pero huli na ang lahat.
Napapikit ako nang mariin.
Sa pagdilat ko ng mga mata ko, muli akong napadpad sa ibang lugar.
Lugar kung saan maraming tao ang nakaupo.
May mga taong nag-iiyakan.
Naglakad ako sa aisle papunta sa isang bagay na nasa gitna.
Malapit na ako nang may marinig akong sumigaw kaya napalingon ako sa direksyon na 'yon.
"Kasalanan mo kung bakit nangyari kay Lucille 'to! Ikaw ang may kasalanan!" galit na sigaw ng isang babae.
Nakita ko na sinampal niya ang isang lalaki, si Kent.
Napayuko na lang si Kent habang sinasalo ang mga sampal na binibigay ng babae.
"Gaia tama na" pigil ng isang babae sa kanya.
"Kasalanan mo kung bakit siya naaksidente! Kasalanan mo! Ang gago mo! Hindi mo ba naisip na hindi magagawa ni Lucille na lokohin ka dahil alam namin at alam mo na mahal na mahal ka niya! And yet you let that fucking whore to poison your mind! Hindi mo man lang naisip na set up lang lahat ng 'yon! Ang masmasakit pa, mas pinili mong pagkatiwalaan yung babaeng linta na 'yon kaysa sa kaibigan namin na walang ibang ginawa kundi mahalin ka! I won't ever forgive you, hinding hindi kita mapapatawad!" galit na galit na pagwawala ni Gaia habang nagpupumiglas sa mga umaawat kanya .
Napahawak na lang ako sa dibdib ko at hindi ko na napigilan ang sarili ko at napahagulgol na lang din.
Shit, anong nangyayari sayo Lucille?
Habang si Kent ay nakayuko lang at tahimik na umiiyak.
"I-I'm so sorry" tanging nasambit niya bago lumakad papuntang kabaong na nasa gitna.
Pinunasan ko ang mga luha na tumulo sa mga mata ko at sinundan si Kent.
Tahimik lang siya na humahagulgol sa harap ng kabaong habang paulit-ulit na nagso-sorry.
Pagdungaw ko sa loob ng kabaong ay napatutop ako sa bibig ko. Halos hindi makapaniwala sa nakikita ko.
T-the person who is actually lying on that coffin is no other than?
? ME.
?????????????