Reading Score Earn Points & Engage
Romance

Ang baston Laban sa ankan nang asawang

May next pa yan

Jun 25, 2024  |   8 min read

E

Edmar
Ang baston Laban sa ankan nang asawang
More from Edmar
0
0
Share


Patulog na kami noong gabing iyon nang mabulabog kami sa kakaibang tunog na nagmumula sa bubong ng aming bahay. Kaya napalabas Ako sa kwrto ko. Naabutan ko Naman si nanay na nakahiga sa sofa. Siguro hinihintay Niya si tatay galing sa trabaho.

ISRAEL: A-ano 'yun nay? Sila ba 'yan ulit?

Mga ilang Gabi na Rin kasi Ka Banong kaming ginahambala Ng mag-asawang aswang. Buntis si nanay kaya ganoon nalang Ang pagnanais nilang makapasok sa bahay. Wala si tatay kaya matapang sila.

NANAY LUSING: Huwag mo na lang pansinin Israel. Mabuti pa ay bumalik ka nalang sa pagtulog.

ISRAEL: Eh paano Ako makakatulong nito Nay, kung maririnig ko sila Dyan sa bubong natin? Paano ko ipipikit itong dalawang mata ko kung pinagpapawisan Ako sa takot Dito?

NANAY LUSING: Titigil din sila. Ang mahalaga Hindi sila makakapasok sa bahay natin.

ISRAEL: Saan ba kasi si Tatay? Bat Hanggang ngayon Hindi parin Siya umuuwi?

NANAY: Maya-maya ay nandito na Rin Ang tatay mo. May dinaanan lang siguro.

ISRAEL: Hayts, si tatay talaga oh. Bakit kasi Siya nagpapagabi? Buntis ka pa Naman. Hindi ako p'wedeng matulog hangga't naririnig ko pa sila Dyan sa bubong Nay. Baka kasi bigla silang makapasok eh tapos tulog Ako. Sino nalang Ang tutulong Sayo kung sakali?

Pinakita Naman sa akin ni nanay Ang hawak-hawak niyang gulok na gawa sa tanso.

NANAY LUSING: Ito. Ito Ang tutulong sa akin. Subukan lang nilang pumasok sa pamamahay ko ng malaman nila Ang hinahanap nila.

ISRAEL: Aba, gawa Yan sa tanso Nay di ba? Balita ko pinasadya pa Yan ni tatay sa Isang panday ah. Tapos may basbas Ng Isang albularyo.

NANAY LUSING: Tama ka Israel, itong gulok na ito ay pinasadya pa Ng tatay mo para lang sa mga aswang! Kaya kung Ako Yung aswang, aalis na lang Ako at hahanap Ng ibang bibiktimahin. Kasi sa Oras na matamaan ka nitong gulok na gawa sa tanso ay tiyak na Hindi ka na mabubuhay pa!

Alam ko Ka Banong na Ang dalawang aswang Ang pinaparinggan ni nanay sa itaas ng aming bubong.

At maya-maya nga ay hindi na namin sila naririnig. Siguro nga ay umalis na dahil nasindak sa mga sinasabi ni nanay.

ISRAEL: Mukhang gumana yung paparinig mo Nay ah. Parang umalis na sila sa bubong.

NANAY LUSING: Isang sakong kaduwagan Naman pala Ang mayroon sila sa dibdib eh.

Napatawa nalang kami ni nanay Ka Banong. Pero Ang sabi Niya sa akin ay huwag daw kaming maging kampanti. Kasi Ang mga aswang, kapag may gusto silang Kunin, talagang kukunin talaga nila. Hindi sila titigil hangga't Hindi nila nakukuha Ang sanggol sa sinapupunan ni nanay.

Maghahating Gabi na noon si Tatay umuwi. Nakainom siya at galing daw Siya sa birthday ng kumpare Niya. Kaya nagtalo sila ni nanay.

TATAY PABLO: Pasensya ka na LUSING. Alam kong Hindi ko dapat ginawa yun, kasi buntis ka.

NANAY LUSING: Alam mo pala eh. Kanina nandito na naman Yung mag-asawang aswang. Mabuti at Hindi kami pinasok sa bahay, dahil kung nagkataon baka nakuha na itong anak mo sa tyan ko!

TATAY PABLO: Kasalanan ko LUSING, hindi na mauulit.

Mabuti at tumahan na noon si Nanay. Sa baryo kasi namin ay laging may mga nangyayareng kababalaghan. Katulad na lang Ng mga alagang hayop na natatagpuan nalang na warak ang tiyan at wala ng mga lamang loob. Minsan naman ay may mga Bata ding nawawala. At Ang siyang usap-usapan ay aswang daw Ang may dahilan. Pero Wala naman silang naipapakitang ebedensyang aswang nga Ang may kagagawan.

Pero naniniwala Ang aking pamilya sa mga aswang Ka Banong. Saksi Ako kung paano kami guluhin ng mga ito. Halos gabi-gabi kasi ay nagpaparamdam sila sa labas Ng bahay. Simula lang noon nang mabuntis si nanay.

Minsan pa nga nang gabihin Ako ng uwi ay may dalawang tao akong nakasalubong sa kalsada. Isang babae tapos Isang lalaki. Ang tancha ko ay nasa 50 pataas na Ang mga edad nila.

Hindi sila pamilyar saakin. Hindi ko sila nakikita sa baryo namin. Nakayuko lang sila habang naglalakad pasalubong sa akin. Malapit lang Doon Ang bahay namin. Saka ko lang naisip na mga aswang sila noong makarating na ako sa bahay. At Ang sabi-sabi pa ay mag-asawang aswang daw sila. Galing daw sila sa ibang baryo at Dito nambibiktima sa amin.

NANAY LUSING: Kung nabubuhay lang sana Ang Lolo TEKONG mo Anak. Tiyak na walang aswang na manggagambala sa atin tuwing Gabi.

Nakaupo Ako noon sa sala noong tanghali nang lapitan Ako ni Nanay.

ISRAEL: Bakit nay? Karatista ba Yung si Lolo?

NANAY LUSING: Hindi. Isa siyang malupit na antingiro.

ISRAEL: Antingero? Yung mga mutya or Bertud? Yun ba nay?

NANAY LUSING: Oo, Meron Yan DATI si Lolo mo. Kaso Hindi ko lang matandaan medyo Bata pa kasi Ako non. Tanda ko pa non, may baston siyang Isang metro lang Ang haba. Pero may mga iba't ibang sandata na tumutubo. Tapos humahaba din iyon.

ISRAEL: baston? Tapos may tumutubo? Ang angas naman yun nay. Pero Ano Yung mga tumutubo? Mga kabute ba or mga halaman?

NANAY LUSING: Siraulo ka talaga Israel, Mga iba't ibang sandata. Minsan nagiging sibat Yung baston Niya, Minsan nagiging ispada at kung anu-ano pa.

ISRAEL: Naks, Ang astig pala ni Lolo DATI nay no? Pero nasaan na Yung baston na yun nay? Isinama ba yun sa libingan Niya?

NANAY LUSING: Yun Ang Hindi ko sigurado anak. Pero may binanggit DATI Ang Isang tiyohin namin na nandito lang daw yun sa bahay natin eh.

Ang bahay kasing tinitirahan namin Ka Banong ay sa mga magulang ni Nanay. Minana Niya ito noong mamatay na Sina Lolo at Lola.

ISRAEL: Eh, baka nasa kwarto Nina Lolo lang yun Nakatago?

NANAY LUSING: Wala don, ilang ulit ko nang hinaloghog Yung kwarto nila. Pero mga lumang libro lang Ang Nakikita ko.

ISRAEL: Baka naisama nga sa libing Nay. Bat kasi Hindi mo alam? Tulog ka ba non?

NANAY LUSING: Siraulo! Bata pa ako noon. Saka wala Naman sa isip ko non Ang mga bagay na yun. Malay ko ba sa mga baston na yun.

Sa mga ekenwento ni Nanay sa kin tungkol sa baston ni Lolo TEKONG ay Hindi ko maiwasang mag-emagine. Paano kayo kung makita ko yun at labanan ko Ang mga aswang? Matatalo ko kaya sila?

Kaya simula noong Araw na yun ay nagkaroon Ako Ng goal, Ang makita Ang baston ni Lolo TEKONG. Kahit Hindi ko alam Kung saan ko iyon mahahanap ay tinatak ko pa rin sa utak ko na kailangan ko iyong mahanap. Para saakin yun Ang sagot para matigil na Ang panggagambala Ng mga aswang sa amin at pati narin sa buong baryo namin.

Pagkatapos Ng klase ko ay dumeretsu na kaagad Ako sa bahay. Naglakad-lakad Ako sa bakuran namin. Maging sa likod ng bahay ay nag-ikot-ikot din ako.

ISRAEL: Saan ko kaya makikita Yung baston na yun? Yare talaga sakin Yung mag-asawang aswang kung sakaling mahanap ko yun.

NANAY LUSING: Hoy Israel! Anong iniikot-ikot mo Dyan? Para kang kambing na palakad-lakad Dyan ah.

ISRAEL: Ah, eh. Ikaw pala Nay. Hinahanap ko kasi Yung baston ni Lolo TEKONG.

At Doon nga ay napahugalpak si nanay Ng tawa Ka Banong. Hindi niya inaasahan daw kasi na hahanapin ko Ang baston.

NANAY LUSING: A-ano? Pambihira ka talagang Bata ka. Kung Dyan mo lang Naman hahanapin eh mas mabuti pang tumigil ka na. Para ka lang naghahanap ng kalakal ah.

ISRAEL: Eh, saan ko ba pwedeng hanapin yun Nay?

Napapakamot na ngalang ako Ng ulo Ka Banong. Napapatawa na Rin Ako sa ginagawa ko. Tama kasi si nanay na hindi ko yun Dito makikita.

NANAY LUSING: Hindi mo na makikita yun anak. Matagal nang ibinaon sa limot Ang sandatang iyon. At saka sa dinami-raming nagkaka-enteres sa baston na iyon ay malamang sa malamang eh nasa ibang kamay na iyon ngayon.

ISRAEL: Pambihira ka Naman nay eh. Sabi mo nandito lang yun sa bahay.

NANAY LUSING: Yan Ang sabi ng tiyohin ko DATI, pero Hindi ko Naman sigurado kung nagsasabi Siya Ng totoo.

ISRAEL: Eh, saan na ba Yung tyohin mong yun nay? Para maitanong natin sa kanya.

NANAY LUSING: Ang huling balita ko ay nasa Mindanao Siya ngayon. Isa daw Siya doong albularyo. At Ang Isa Rin sa sabi-sabi ng angkan natin na sa kanya Ang Anting-anting Ng Lolo TEKONG mo.

ISRAEL: Ay, baka nasa kanya Rin Ang baston ni Lolo TEKONG.

Pagkarinig ko sa sinabing iyong ni nanay ay pinanghinaan agad ako ng loob. Hindi kasi Malabo na sa kanya Rin Ang baston ni Lolo TEKONG.

NANAY LUSING: Hayaan mo na yun Israel. Hindi natin kailangan Ang baston para talunin Ang mga aswang. Sapat na itong tansong itak para pagtatagain sila kung sakaling pasukin nila Tayo.

ISRAEL: Mas gusto ko sana Yung baston Nay eh. Kasi may iba't ibang tumutubo don. Tapos madaling nating matalo Yung mag-asawang aswang na'yun.

NANA LUSING: Hay nakung Bata ka. Bata ka pa nga talaga. Puro ka kasi panunuod ng mga cartoons. Kaya kung ano-ano nai-imagine mo.

ISRAEL: Ayaw mo ba Yung may anak kang tagapagtanggol Nay? Tatalunin ko Yung mga aswang pagnasa-akin na Yung baston. Saka Hindi Naman kasi Cartoons pinapanuod ko Nay. Anime yun, at Isa pa 16 na Ako Nay no.

NANAY LUSING: Oo nga, 16 ka na pero Yung isip mo pang sampong taong gulang lang. Mabuti pa nga ay isampay mo itong mga nilabhan kung kumot at magsasaing na Ako.

Nilapitan ko nalang Siya at saka binuhat Ang mga kumot na nasa palanggana. Ang sabi kasi ni Tatay ay huwag na siyang Maglaba Ng mga gan'tong kabigat na labahan kasi buntis Siya pero Ang kulit talaga ni nanay. Mag-pipitong buwan na kasi Ang tiyan ni Nanay Ka Banong, kaya ganoon nalang pag-iingat ni Tatay.

ISRAEL: Saan na kaya Yung baston ni Lolo TEKONG? Sana makita ko na yun.

Kahit sa pagsasampay ko ay baston parin Ang tumatakbo sa utak ko. Pero habang nagsasampay Ako ay bigla nalang may pumasok sa kawayang bakud namin. Dalawang kulay itim na aso. May kapayatan sila tapos may katangkaran din. Napansin ko agad ang kulay pulang mga mata nila. Nakalabas din Ang mga matatalim na pangil nila at naglalaway pa.

Nabitiwan ko tuloy Ang kumot na dapat ay isasampay ko na. Hindi kaagad Ako nakagalaw na tila ay narebulto sa aking kinatatayuan. Walang ni Isang litra Ang lumalabas din sa aking bibig. Habang marahan silang lumapit sa akin ay para Naman akong binabaon sa lupa. Hindi ko magawang humakbang o kahit ilingon manlang ang aking leeg. Mabuti na lang noon Ka Banong ay biglang dumating si Nanay. Tinawag niya ako at Doon lang Ako nakapagsalita.

NANAY LUSING: Israel! Anong tinatayo-tayo mo pa Dyan? Tumakbo Ka na!

ISRAEL: A-h, ehh. . A-aSWANG!

Sigaw ko pa habang patakbo Kay Nanay. Naramdaman ko Naman Ang paghabol Ng dalawang aso sa akin.

NANAY LUSING: Bilis Israel! Bilis!

Halos madapa-dapa pa ako sa kakatakbo. Noong malapit na ako sa pintuan ay agad akong hinila ni nanay. Isinara Niya agad Ang pintuan. Hingal na hingal Naman Ako habang hawak Ang aking dibdib.

NANAY LUSING: Ayos ka lang ba anak?

ISRAEL: A-ayos lang Nay. Muntik na Ako don ah.

Sinarado namin Ang lahat ng bintana at pintuan. Nararamdaman parin namin ni nanay na nandyan parin sila sa labas ng bahay.

NANAY LUSING: Talagang Hindi kayo titigil no? Talagang ang lalakas Ng loob ninyong mag-asawa!

ISRAEL: Nay huwag ka Ng magsalita. Baka pumasok sila eh.

NANAY LUSING: Tignan mo, takot na takot ka na agad. Akala ko ba gusto mong maging tagapagtanggol Ng baryo natin? Tapos ngayon nanginginig ka Dyan.

ISRAEL: Eh, wala pa Naman sakin Yung baston ni Lolo TEKONG nay eh. Saka na kung sa akin na. Sa ngayon kailangan ko munang magtago.

NANAY LUSING: Hay naku Israel, kung ganyan ka, Hindi ka lulubayan Ng mga aswang na Yan. Dapat maging matapang ka. Kasi kung alam nilang duwag ka lalong lalakas Ang mga loob nilang bumalik Dito. Kaya dapat tapangan mo.

ISRAEL: Eh, mukhang mababangis sila eh. Tapos nakakatakot pa Yung mga mukha nila.

NANAY LUSING: Mas nakakatakot kung Wala kang gagawin. Papayag ka bang makuha nila itong Kapatid mo sa tyan ko?

ISRAEL: Aba'y syempre hindi. Pe-pero nakakatakot pa Rin sila eh.

Nanginginig nga Ako non Ka Banong. Paano ba naman kasi eh subrang nakakatakot Yung mga mukha nila kanina. Parang aso na na-uulol.

NANAY LUSING: Tanggalin mo Ang takot sa dibdib mo Israel, dahil Yan Ang magdadala sayo sa kapahamakan.

ISRAEL: Tanggalin? Parang mas mauuna pang matanggal itong dibdib ko Nay kesa sa takot ko eh.

NANAY LUSING: Hangga't nandyan yang takot sa dibdib mo Israel, Wala kang laban na maipapanalo. Tandaan mo Yan.

Tumatak agad sa utak ko Ang lahat ng mga sinabing iyon ni Nanay Ka Banong. Kahit na dinadaga Ako ay nanuot iyon sa isipan ko.

Please rate my story

Start Discussion

0/500