Paano kung ang 'yung agam-agam ay totoo pala? Kung sa bawat pag-ayaw ay may tinatagong lihim? Kung sa bawat silid ay may tinatagong kababalaghan? Yan ang aking kuwento na ibabahagi ko sa inyo ngayon.
Payak kaming namumuhay sa probinsya ng Batanes. Ang aking ama't ina ay pawang mangingisda lamang ang pinaghahanap-buhayan. Mayroon po akong dalawang nakababatang kapatid na kasalukuyang nag-aaral pa ng elementarya. Kaya pagkatapos kong mag-aral ng hayskul ay napagpasyahan kong lumuwas ng Maynila para roon magtrabaho.
"O anak, sure ka na ba sa desisyon mo? Magtatrabaho ka sa Maynila?" Tanong sa'yo ng yung ina.
"Oho, 'nay. Nais ko rin po kasing makatulong sa inyo atsaka sa mga kapatid kong nag-aaral pa. At mas mabuti na rin po yun para makaahon lamang tayo sa kahirapan kahit papaano."
Matapos naming mag-usap ng aking pamilya ay dumako na ako sa silid para gayakin ang mga gamit. Tinulungan na rin ako ni inay sa pagsilid nito sa bag. Pagkatapos no'n ay maaga na akong nagpahinga bagaman mag-a-alas-otso na yun ng gabi.
Hindi pa man gising ang tandang ay gising na si inay sa kusina. Abala itong nagluluto ng agahan at baon ko rin sa pagbibyahe. Iginayak ko na rin ang sarili at mga dapat gawin.
"'Nay, 'tay, mauna na ho ako."
"O sige, anak. Mag-ingat ka roon, ha. 'Saka magpakabuti ka roon palagi."
"Anak sandali lang."
Napatigil naman ako nang tawagin ako ni tatay.
"Nandiyan na ba yung address ng Tiyo Carlito mo sa'yo? 'Saka huwag kang mahiya roon, ha. Dahil mababait yung Tiyo Carlito mo."
"Opo itay, nandito na po sa bag ko. O sige na po, mauna na ho ako."
Matapos nga yun ay lumabas na nga ako ng bahay. Sinamahan na rin pala nila ako papunta sa kalsada para tulungan sa pagbuhat sa iba ko pang dadalhin. May layo kasing sampung kilometro ang pagitan ng kalsada at ng aming bahay.
Pagdating nga namin doon ay tiyempo ring dumaan ang bus dahilan na agaran kong pagsakay.
"O sige na po, 'nay, 'tay. Tatawagan ko na lamang kayo kapag nakarating na ako ng Maynila." wika ko pa bago tuluyang sumakay ng bus. Hindi na rin ako nabahala pa sa pagbabiyahe kahit first time ko pa dahil binigyan naman ako ni Tito Carlito ng detalye o impormasyon kung anong mga dapat sasakyan papunta sa kanilang lugar.
Nang pagdating nga namin ng piyer at no'ng dumaong na ang barko ay pumara na ako ng dyip. Tiningnan ko rin ang nakasulat sa dala kong papel kung anong sasakyan at saan ako banda hihinto. Makalipas nga ang isang oras ay narating ko na ang lugar na nakasaad sa address. Doon din daw maghihintay si Tiyo Carlito. Malayo pa man ay natanaw ko na siya na nakatindig sa kalsada. Kaya nang makarating na kami sa kaniyang tapat ay pinahinto ko na ang dyip para bumaba.
"Tiyo Carlito, kanina pa po ba kayo naghihintay rito?"
"Kararating ko lamang din dito, Miguel. O s'ya, tara na."
Matapos yun ay pumara agad si Tiyo Carlito ng isang traysiklo papunta sa kanilang bahay. Malayo-layo pa nga ito dahil umabot pa kami ng isa at kalahating oras sa pagbabiyahe. Nang makarating na kami ay agad kaming pumasok sa mumunti nilang bahay na inuupahan lang din nila.
"O, Miguel. Aalis muna ako, ha. Papasok muna ako ng trabaho. Kung gusto mong kumain ay magpunta ka lamang sa kusina - may mga nilutong pagkain ako riyan. Ilagay mo lamang yan dito yung mga gamit mo. 'Saka kung gusto mong magpahinga dahil alam kong napagod ka sa haba ng biyahe ay magpahinga ka lang." wika pa ni Tiyo Carlito nang maituro na ang aking kuwarto bago tuluyang umalis ng bahay. Nagtatrabaho kasi ito bilang construction worker at marahil hindi siya pumasok kaninang umaga dahil sa pagsundo sa akin. Nabanggit din nito na ang kaniyang asawa ay naroroon pa sa paaralan kasama ang isa nilang anak na kasalukuyang nag-aaral pa ng kindergarten. Kaya matapos kong mailagay at maisaayos ang aking mga dalang gamit ay nagpahinga na ako. Bagaman napagod ako sa haba ng biyahe.
Kinahapunan no'n ay nagising na lamang ako nang gisingin ako ni Tiyo Carlito.
"Miguel, halika na. Maghapunan na tayo at pumarito ka na agad sa hapag."
Kaya napabalikwas naman agad ako sa pagkakahiga 'saka nagtungo roon sa mesa. Inabutan naman ako sa kaniyang asawa ng isang pinggan kalakip ang kutsara at tinidor.
"Miguel, huwag kang mahiya rito sa bahay ha. Isipin mo na lang na nasa bahay ka ninyo." turan pa ni Tiya Nenita sa akin.
"Ah..hehe..sige po."
Nahihiya ko namang sagot.
"S'ya nga pala, Miguel. May nakita akong trabaho na maari mong pasukan. Hiring sila ngayon."
"Talaga ba, tiyo? Saan ba 'yan?"
"Doon sa hospital malapit sa pinagtatrabahuhan ko, Miguel. Hiring sila ng janitor kaya bagay ka roon 'saka mataas din ang pasahod nila."
"Gano'n ba tiyo? Kung gano'n kailangan akong magpunta roon bukas para hindi ako maunahan."
"Sige, sasamahan na lamang kita nang sa gayon ay malaman mo kung saan ito banda. Kaya kailangan mong agahan ang gising bukas."
Kaya matapos kong kumain ay nagtungo na nga ako sa aking kuwarto para matulog. Pero hindi nga ako nakatulog agad dahil kakagising ko lang kasi no'ng mga time na yun. Kaya nagpahangin muna ako sa labas ng bahay malapit doon sa may bintana. Baka kasi makaramdam ako ng antok doon. Nakabalik na lamang ako sa loob pero hindi pa rin ako dinalaw ng antok. Baka lamang kasi nababaguhan lamang ako. Kaya napagisip-isipan kong maghanda na lamang ng susuotin para sa papasukang trabaho bukas. Pagkatapos no'n ay nagtungo na ako sa kusina para magtimpla ng kape. Nagulat pa nga si Ate Nenita nang magising siya at magtungo na siya ng kusina para magluto.
"O Miguel, ba't ang agang-aga mo nagising? Masarap ba ang tulog mo?"
"Hindi po ako nakatulog, Tiya. Baka lang nababaguhan ako sa bahay, ganito rin kasi ako sa amin sa t'wing makakatulog ako sa ibang bahay."
"Ah, gano'n ba Miguel. Masasanay ka rin kalaunan."
Ilang sandali pa'y nagising na rin si Tiyo Carlito na siya rin ang ikinagulat nito nang makitang gising na ako. Pinaliwang ko naman sa kaniya ang rason kagaya sa ipinaliwanag ko kay Tiya Nenita.
"O gano'n ba, Miguel. Sige, mas mabuti na rin yan para maaga kang makapaghanda at marami ka pang oras sa mga dapat mong gawin."
Matapos nga yun ay dumiretso na ako ng banyo para maligo. Pagkatapos no'n ay nagbihis na ako 'saka hinintay na matapos si Tiyo Carlito sa kaniyang kuwarto. Nang makalabas na ito ay agad na kaming sumakay sa kaniyang motor papunta roon.
"O sige, Miguel. Maiwan na kita diyan dahil papasok na ako sa trabaho." ani pa ni Tiyo Carlito nang maihatid na ako sa tapat ng ospital. Kaya agad akong pumasok ng gate at 'tinanong ang nagbabantay na guard.
"Manong, hiring ba kayo ng janitor?"
"Ah, oho hijo, pumasok ka lamang sa loob nang ma-assist ka ni Dr. Ablaza."
Nang marinig ko nga ang turan ni Manong Guard ay pumasok na nga agad ako sa loob. Nadatnan ko naman ang doktor sa isang maliit na table nang pagpasok sa unang pintuan.
"Magandang umaga po sa inyo, Doc. Nais ko sanang mag-apply bilang janitor po sa ospital ninyo."
"Anong pangalan mo?"
"Ako po, Doc.? Ako po si Miguel."
"Sige, ito Miguel. Ang trabaho mo ay isang janitor o paglilinis dito sa ospital. Pero hindi ibig sabihin no'n na lilinisan mo na ang bawat sulok nitong ospital. May mga bagay at partikular na pasilidad lamang ang lilinisan mo rito at halika ituturo ko sa'yo ang mga hindi dapat mong buksan at linisan."
Matapos ngang marinig ang kaniyang turan ay dumako na kami sa mga partikular na pasilidad na kaniyang tinutukoy at parte na dapat kong linisan.
"Sige po, Doc. Masusunod po kayo."
Matapos nga yun ay nagsimula na akong maglinis. Kinuha ko na rin ang mop at isang balde para lagyan ko nang tubig.
"Nakaka-weird namang ospital na ito! Napakalaki pero walang mga tao! Sino kaya ang pasyente rito?"
Naguguluhan ko pang tanong sa sarili habang patuloy na nililinisan ang sahig. Napapansin ko kasi na parang wala akong nakikitang ibang tao sa ospital bukod kay Dr. Ablaza.
Sa katunayan nga'y nakatatakot tingnan nga ang ospital na ito. Marami na kasing lawa-lawa sa 'taas at naluluma na ang iba pang mga bagay. Pero hindi ko na lamang yun pinansin at pinatuloy ko na lamang ang paglilinis hanggang sa dumating ang hapon.
"Sige po, doc. Mauna na ho ako."
"May sasakyan ka ba papauwi? Nang sa gayon ay maihatid na kita."
"Ah, hindi na po. Kukunin naman po ako ni Tiyo Carlito rito, doc.. Nandoon po siya sa construction site nagtatrabaho, malapit lang din ito rito."
Paliwanag ko pa sa kaniya sabay turo sa kinaroroonan ni Tiyo Carlito.
"Ah, gano'n ba. O sige, mauna na ho ako at ingat ka sa pag-uwi mo ha."
Tinangoan ko naman siya at umupo muna ako roon sa labas ng gate. Mayroon kasing upuan doon na inuupuan ng guard kaya doon na lamang ako naghintay para naman hindi ako tubuan ng barikos sa kakatayo. Ilang saglit pa'y lumabas na rin ang guard mula sa loob.
"Miguel, wala pa ba ang sundo mo?"
"Wala pa po manong, e. Pero baka mamaya-maya ay darating na rin yun baka lamang kasi may tinapos pa doon sa site."
"Ah, sige. Mauna na rin ho ako sa'yo."
Makalipas nga ang Ilang minuto ay sa wakas dumating na rin si Tito Carlito doon.
"Kanina ka pa ba naghihintay rito, Miguel?"
"Oo, tiyo. Kanina pa po mga alas-kuwatro y medya ng hapon."
"Pasensya na, may tinapos lamang kasi kami."
"Okay lang po yun, tiyo. 'Saka hindi pa naman ako nababagot po sa kahihintay sa inyo."
Matapos nga yun ay agad namang pinihit ni Tiyo Carlito ang manibela. Hindi na lamang niya ito binagalan pa ang pagpapatakbo ng motor, bagaman mag-a-alas siyete na yun ng gabi. Nang pagdating nga namin ng bahay ay sakto ring nakahanda na ang hapunan sa mesa.
"Carlito, isama mo na yan dito si Miguel sa hapag. Kumain na tayo habang mainit-init pa itong sabaw na niluto ko."
Matapos kong mailapag ang bag sa aking kuwarto ay agad naman akong pumanhik sa hapag-kainan.
"O Miguel, kumusta pala yung trabaho mo?"
"Okay lang naman po, tiyo. Saka hindi naman po maselan ang amo kong doktor. Sa katunayan nga'y parang ako lamang ang tao sa ospital." wika ko pa.
"Kararaan lamang kasi ng pandemya, Miguel, at hindi pa lubos naka-rerecover ang mga tao. Saka no'ng mga panahong yun ay naabandona ang ospital na yan, kaya hindi maipagkakailang ganiyan ka-creepy at kalumang tingnan ang ospital na yan."
Napatango naman ako sa turan ni Tiyo Carlito.
Matapos nga naming kumain ay kani-kaniya na kaming pasok sa aming mga silid. Maaga na rin akong natulog bagaman wala pa akong tulog no'ng mga nakaraang gabi. Buti na lang din ay nakaramdam na ako nang antok nang ilapat ko na ang sarili sa higaan.
Katulad no'ng mga nakaraang araw ay maaga akong gumising para maagang makapaghanda. Inunahan ko pa nga sa paggising ang mag-asawa. Mas mainam na rin kasi yun para mayroon pa akong oras sa mga kailangan pang gagawin.
Katulad pa rin no'ng mga nakaraang araw ay bumiyahe kami ni Tiyo Carlito sa oras nang alas-sais y medya. Hinatid muna niya ako sa aking pinagtatrabahuhan bago dumako sa kaniyang trabaho. Nang pagpasok ko nang ospital ay umupo muna ako roon sa upuan tapat sa table ng doktor. Bagaman wala pa naman doon ang doktor kaya umupo muna ako roon saglit.
Nang makalipas nga ang ilang minuto ay sinimulan ko na muli ang trabaho. Agad na akong nagtungo sa 'taas dala ang mop at kalahating tubig ng balde. Bali dalawang palapag kasi ang nasabing ospital at hindi maipagkakailang malalaki-laki ang lilinisin. Napagisip-isipan ko ring doon muna unahin patungong pababa.
Tahimik kong binabaybay ng mop ang bawat talim ng sahig. Marahan ko ring pinipigaan ang mop sa balde. Sumipol-sipol pa nga ako upang mawala man lang ang pagkabagot. Ilang sandali pa'y bigla na lamang bumukas ang pinto sa aking tapat sanhi ng pagbitiw ko sa hinahawakang mop.
"P*ta! Sino ka?"
Pagkabigla ko pa nang lumabas ang isang tao sa isang pasilidad.
"Ah, ako po pala si Kiko, assistant po ako ni Doctor Ablaza. Ikaw ba yung sinasabi ni Manong Guard na bagong janitor dito sa ospital?"
"Ako nga yun. S'ya nga pala, ako pala si Miguel."
Matapos naming ipakilala ang aming sarili ay nagkuwentuhan kami ukol sa aming mga personal na buhay. Nabanggit niya rin sa akin na mahigit isang linggo pa lamang siya naging assistant dito sa ospital. At kahapon ang kaniyang day-off kaya hindi ko siya nakita no'ng pagpasok ko.
"S'ya nga pala, Kiko. Hindi ka ba natatakot dito sa ospital?"
"Ah, a-ako? Siyempre, natatakot ako. Pero hindi lamang ako nagpapahalata kasi baka sisantehin ako ni Dr. Ablaza 'saka kailangan ko pa naman ng pera sa pag-aaral ko."
"Working student ka?"
"Oo, pumapasok ako sa umaga at nag-aaral naman ako sa gabi."
"Matanong ko lang, Kiko. May dinadala bang pasyente rito sa ospital? Pakiramdam ko kasi ay parang wala, pero hindi pa naman ako nakapasok sa mga silid dahil pinagbabawalan po ako ni Dr. Ablaza. Kaya hindi ako nakasisiguro."
"Oo, may mga pasyenteng dinadala rito paminsan-minsan. Nakalulungkot nga dahil kahit ni-isa sa kanila ay walang nakauuwing buhay."
"Wala bang nabuhay ba kamo? E, magaling ba yan na doktor si Dr. Ablaza? Baka kasi hindi naman."
"Oo, marami na 'yang napapagaling na mga may sakit noon. Pero nakabibigla nga ang nangyayari ngayon e dahil parang lumalaos na siya. Minsan pa'y may nagrarant pa rito sa ospital dahil diyan kasi kahit kaunting karamdaman ay mauuwi sa kamatayan. Pero hindi naman natin masisisi ang mga doktor kung may malubhang karamdaman talaga ang pasyente at nagkataon lamang na sila ang nalapitan nito."
"Ito ba yung dahilan kung bakit madalang na lamang ang mga nagpapagamot sa ospital na ito, Kiko?"
"Hindi malabo, Miguel."
"Pero bakit hindi na lamang siya mag-hired ng mga doktor upang katuwang niya sa trabaho?"
"Actually, Miguel. Mayroon siyang katuwang no'ng una pero bigla na lamang itong nagsialisan sa hindi malamang dahilan."
Natigilan na lamang kami sa pag-uusap ni Kiko nang mamataang papaakyat si Dr. Ablaza sa itaas. Dagli ko namang kinuha ang mop 'saka ibinabaybay ito sa sahig. Habang si Kiko naman ay umalis na sa aking kinalulugaran. Ngunit natigilan siya nang tawagin ng doktor sanhi ng paglingon niya.
"Miguel at Kiko, maari niyo ba akong samahan dito matulog mamayang gabi? May mga dapat kasi akong tapusin."
"O sige po, doc. Total wala naman po akong pasok mamayang gabi sa school." Pagsang-ayon pa ni Kiko kay Doctor Ablaza.
"Sige, ako rin po. 'Saka magpapaalam muna ako kay Tiyo Carlito ko."
Matapos nga yun ay bumaba na ako ng hagdan. Gayundin si Kiko para magmeryenda sa 'baba bagaman mag-a-alas diyes na yun ng umaga. Nang pagbaba nga namin ni Kiko ay yun na lamang ang aming natunghayan ang isang batang lalaking maraming tamong sugat kasama ang ina nito. Nagkaroon daw ng salpukan ang dalawang malalaking sasakyan at sa bata raw tumama lahat ang mga salamin nito. Kaya naman agad ntong dinala ni Kiko ang bata sa isang pasilidad sakay sa sasakyang pasyente. Tinawag niya rin si Dr. Ablaza sa pangalawang palapag ukol dito.
"Kiko, dalhin yan sa operating room."
Nang marinig nga yun ni Kiko ay hinila nito papunta roon. Sinabihan niya rin ang ina ng bata na maghintay na lamang sa labas. Mabilis ngang kumilos si Kiko dahil nag-aagaw buhay na ang bata dahil sa tam� nitong mga salamin sa parte ng katawan nito. Lalong-lalo na sa parte ng leeg ng bata at ulo na malalim ang dulot nito. Matapos ngang maihatid ni Kiko ang pasyente sa nasabing pasilidad ay pinapalabas na siya ni Dr. Ablaza. Tanging si Dr. Ablaza lamang ang naiiwan doon sa operating room.
Matapos yun ay bumalik muli kami ni Kiko roon sa 'baba para ituloy ang pagmemeryenda.
"Kiko, hindi ba't assistant ka ni Dr. Ablaza? Bakit hindi ka niya pinapasama sa loob?"
"Oo, pero hindi yun ang trabaho ko. Kumbaga assistant lamang niya ako sa labas ng kaniyang posisyon. Minsan ako ang naghahatid ng pasyente kung saang pasilidad ilalagay kagaya no'ng ginawa ko kanina. Ako rin ang naghahatid sa pasyente kung mabawian na ng buhay roon sa pasilidad na tambakan ng mga patay."
"Ah, gano'n ba? Nakaka-weird naman kasi na siya lamang ang nasa loob ng operating room. 'Saka katulad ng mga sinasabi mo na palagi na lamang minamalas siya sa mga pasyente."
"Oo nga, e. Ayaw ko man mag-isip ng masama pero ganoon na nga, Miguel."
Matapos naming mag-usap at magmeryenda ni Kiko ay bumalik na kami roon sa labas ng operating room. Tiyempo ring lumabas si Dr. Ablaza.
"Doc., kumusta ang bata?"
Ngunit tanging pagngiwi lamang ni Dr. Ablaza ang itinugon sa ina ng bata na siya namang dahilan sa pagkasalumpak ng ina sa sahig. Nakapagtataka lamang kasi ang pangyayari kung saan hindi naman yun may kalubhaan ang sugat ng bata. At kung susuriing mabuti ay hindi naman talaga a
makamamatay ang sugat na yun.
Kinuha na rin ni Kiko ang biktima at inihatid doon sa pasilidad na tinatambakan ng mga patay. Totoo ngang wala ng buhay ito dahil sa hitsura nito. Tiningnan din at pinakinggan ng ina ng bata ang pulso at puso nito pero hindi na talaga humihinga o pumipintig man lang. Kaya dahil doon ay walang nagawa ang ina ng bata kundi ang umiyak nang umiyak ng paulit-ulit. Si Dr. Ablaza rin ay umalis na rin doon at nagtungo sa kaniyang opisina. Ako na lamang at ang ina ng bata ang natitira doon dahil kino-comfort ko pa ito.
Matapos nga yun ay umuwi na ang ina ng bata. Pinapabalik na lamang namin ito bukas ng umaga para kunin ang kaniyang anak dahil e-embalsamuhin pa ito.
Tagaktak ang pawis ni Kiko nang bumalik sa aking kinaroroonan. Hinihingal ito ng malakas na animo'y galing sa isang karera.
"Mi-miguel! Ang bata - "
Nauutal-utal pa niyang sabi sa akin habang naglilinis ako. Nang dahil doon ay dinala ko siya sa upuan malapit sa aming kinalulugaran upang umupo.
"Bakit? Ano bang tinutukoy mo? Hindi ko ma-gets, e."
"Walang bata sa dinala ko! Isa yung katawan ng saging!"
Napatawa na lamang ako sa kaniyang sinabi sanhi ng paghagikhik ko ng malakas.
"Lakas ng trip mo ah. Hahahaha..Paanong walang bata sa dinala mo?! Kung saan kitang-kitang pa nga namin at ng dalawang mata ko na hila-hila mo pa yung sasakyan ng pasyente at nakahiga pa roon ang biktima."
Nang pagkasabi ko nga yun kay Kiko ay halatang-halata sa kaniyang mukha ang kaguluhan dahil sa nakakunot niya noo. Halata rin sa kaniyang ekspresyon na nagsasabi talaga siya ng totoo.
"Oo, alam ko. Pero pagdating ko roon, nag-iba na lamang ito ng anyo na siyang aking ikinagulat."
"Baka namamalik-mata ka lamang, Kiko?"
Doon ay sineryuso ko na ang kaniyang mga sinabi. Kaya napagpasyahan naming puntahan na lamang ang pasilidad at kumpirmahin ang kaniyang ang kaniyang mga pinagsasabi.
"Sige, puntahan natin yun at samahan mo ako nang makumpirma natin yang sinabi mo."
Pagkasabi ko nga no'n ay agad na naming tinungo ang nasabing pasilidad. Ako na rin nagbukas ng pinto dahil ayaw ni Kiko dahil natatakot siya.
"E, katawan naman ng tao ah? Hindi tugma sa mga sinasabi mong katawan ng saging!"
"Hindi, e. Kanina, katawan talaga ng saging yan. Ilang beses ko siyang tiningnan baka kasi gawa lamang sa likot kong imahinasyon, pero hindi talaga."
Paliwanag pa ni Kiko sabay kurap sa kaniyang dalawang mata. Ngunit gano'n pa rin no'ng dati kahit ilang beses na siyang kumurap, katawan pa rin ng bata ang aming nakikita.
"Tara na, Kiko. Baka mapagalitan pa ako ni Dr. Ablaza nang makitang wala ako roon. 'Saka itulog mo muna yang kanenega mo, baka kasi puyat ka lang kung bakit ganiyan na lamang ang nakikita't naiisip mo."
Matapos nga yun ay bumalik na kami sa aming mga trabaho. Naglinis ako sa aking kinalulugaran kanina habang si Kiko naman ay nagtungo sa opisina ni Dr. Ablaza ukol sa mga dapat niyang gagawin.
Kinahapunan nga no'n ay nagpaalam na ang Manong Guard na umuwi. Hinintay ko naman si Tiyo Carlito sa labas upang makapagpaalam din ako.
"Tiyo, dito muna ako ngayung gabi matutulog sa ospital. Magpapasama kasi si Doctor Ablaza dahil may mga aasikasuhin daw siya doon. Pero huwag po kayong mag-alala dahil bali tatlo po kami, kasama rin namin ang kaniyang assistant."
"O sige, Miguel. O s'ya, mauna na ako."
Nang makapagpaalam na nga ako ay agad akong pumasok sa loob ng ospital. Inihanda na rin ni Kiko ang hapunan na binili niya sa labas. Naglatag na rin ako ng karton para gawing tulugan namin ni Kiko.
"Kiko, kunin mo nga roon ang pinatago kong dokumento sa'yo sa 'taas. 'Saka Miguel, samahan mo na rin si Kiko doon." utos pa sa amin ni Dr. Ablaza. Kahit napipilitan man ay tumango na lamang kami ni Kiko.
Nag-aalanganin pa nga kami ni Kiko sa pag-akyat sa 'taas. Bukod sa wala itong ilaw at tanging gasera lamang ang aming dala ay nakatatakot din ito tingnan lalong-lalo na kapag gabi. Na para ba kasing may nagmamasid sa'yo sa t'wing naglalakad ka.
"Miguel, hintayin mo naman ako!"
"Ito naman oh! Bilisan mo na diyan ang paglalakad."
"Alam mo naman na kababago lang natin kumain, ang hirap kumilos."
"Ah basta, bilisan mo na diyan nang sa gayon ay makababa na tayo agad."
Sa kalagitnaan nga ng aming paglalakad ay may narinig kaming pag-igik.
"A-ano yun? Saan yun nanggaling?"
Napahawak naman si Kiko sa aking braso dahilan na malapit nang mapatay ang hawak kong gasera.
"Huwag ka ngang malikot diyan, Kiko."
Binigyan namin ito nang pansin kung saan ito nagmula hanggang sa mapagtanto ang pasilidad na pinagbabawalan sa amin ni Dr. Ablaza.
"K-kiko, huwag mong buksan. Hindi yan pinapabuksan ni Dr. Ablaza, baka magagalit yun."
"Masama talaga ang kutob ko na mayroong tinatago ang doktor na yan, Miguel. Kaya ngayun, pagkakataon na natin 'to para malaman kung ano talaga ang laman ng pasilidad na yan."
Hindi ko na napigilan si Kiko sa kaniyang kagustuhan. Binuksan niya ang pasilidad na pinagmumulan ng narinig kanina. Nahirapan pa nga kaming hanapin ang partikular na susi sa kuwarto na yun dahil sa dami ng susi. Nang mabuksan na namin ang pasilidad ay pareho kaming nagulat sa aming natunghayan.
"Multo!" Sigaw pa ni Kiko nang makita ang bata. Ngunit natigilan naman siya nang magsalita na ito.
"H-hindi ako multo! Hindi ako ang dinala niyo kanina. Isa lamang yung ilusyon at sa katunayan nga buhay pa ako."
Parehong napakunot ang aming mga noo ni Kiko nang marinig ang turan ng bata. Pareho naming hindi naiintindihan ang nangyayari at sitwasyon.
"E, s-sino yung dinala ko kanina? H-hindi ba't ikaw yun?"
"Hindi. Hindi ako yun! 'Saka wala na akong oras para ipaliwanag ito sa inyo. Kailangan na nating makatakas ngayon. Ngayon na!"
Matapos nga yun ay agad kaming nagtakbuhan papalayo roon. Ngunit natigilan kami nang marinig ang yabag ng paa na papaakyat sa taas. Kaya wala kaming ibang gawin kundi patayin ang gasera na aming hawak. Pero matatanglawan pa naman ng sinag ng buwan ang aming kinaroroonan dahil kagaya no'ng sinabi ko na may kalumaan na ang ospital at marami na itong siwang.
"Hindi ko talaga naiintindihan kung anong nangyari sa'yo?! Ano ba talaga ang buong istorya?"
"Hindi ordinaryong tao ang doktor. Isa siyang aswang! Nakita ko kanina ang kaniyang kabuoan. Maputi ang kaniyang buhok at maiitim ang kaniyang balat saka pinapalibotan ang katawan ng maraming balahibo. Hindi ko rin alam kung bakit hindi ako pinatay at kinulong lamang doon sa pasilidad na yun."
Nang masabi nga yun ng bata ay napalaki na lamang bigla ang aming mata ni Kiko. Hindi na rin kami nakapagsalita pa dahil papalapit na ang yabag sa aming kinaroroonan at tiyak namin na ang doktor yun.
"Kailangan nating makatakas agad dito. Kung totoo ngang aswang siya, matalas ang pang-amoy nito at mabilis tayong matunton."
Matapos nga yun ay gumawa kami ng hakbang at umisip ng plano kung anong mga dapat gawin. Alam namin pareho na hindi namin ito mapapatay ng madali pero ang sa amin lang ay makalayo roon sa ospital.
"Alam ko na!" giit naman ni Kiko habang may hawak na isang lata sa kamay.
"A-anong gagawin mo diyan?" tanong ko naman nito.
"Linlangin natin siya. Alam kong nakatatawa itong plano, pero wala talagang mapipigang matinong plano sa utak ko. Kung talagang matalas ang kaniyang pandinig at pang-amoy mas matutonton niya ito ang lata."
"A-ano bang ibig mong sabihin, Kiko?"
"Ibabato natin ito malayo sa ating kinaroroonan nang sa gayon ay iisipin ng aswang na naroroon tayo sa pinagbabatuhan ko nitong lata."
Napasang-ayon na lamang kami sa plano ni Kiko. Matapos nga yun ay ibinato na niya ang lata malayo sa aming kinaroroonan. Nabaling naman ang atensyon doon ng aswang. Habang kami ay dahan-dahang kumilos papalabas upang 'di makalikha ng ingay. Pigil-hininga rin ang aming ginawa ni Kiko at nang bata upang makalayo at makatakas doon. Ngunit naging matagumpay naman kami. Ligtas kaming nakalabas sa ospital.
WAKAS.