Reading Score Earn Points & Engage
Fiction

The Moment We Met

When you accidentally met someone... But that someone can't be with you in your whole life... Because he's not alive anymore. He is a soul when i met him and fall inlove to him.

Feb 7, 2024  |   18 min read
The Moment We Met
More from Mysterious_darkness3
0
0
Share
Shit! Malas ko talaga ngayong araw! Why i forgot to bring umbrella wala tuloy akong magamit ngayon dahil malakas ang buhos ng ulan. Kakatapos lang ng last classes ko ngayong araw at ngayo'y andito ako sa may harap ng building namin nakatayo habang nag i-intay na tumila ang malakas na buhos ng ulan.

Pasundo na nga lang ako kay Ghade baka sakaling may dalang pa'yung 'yun mukhang mamaya pa ata titigil ang ulan na 'to, abutin pa'ko ng gabi kakaintay na tumila ang ulan. I get my phone on my bag to call Ghade para sunduin ako rito sa harap ng building namin. Ghade is one of my best friend we became friends because he became my roommate.

When i already get my phone napapikit na lang ako sa inis. God! P'wede bang mag wala ngayon? Napaka malas ko talaga! My phone out of battery. Napahinga nalang ako ng malalim at binalik ang walang k'wenta kong cellphone sa bag.

I patiently wait the rain until it stop pouring. Mahigit dalawang oras ang inabot ko kakaintay na tumila 'to. Kahit gustong-gusto ko nang sumulong sa ulan 'di ko magawa dahil may mga importanteng papel akong nakalagay sa bag.

Seven twenty na pala tingin ko sa aking suot-suot na relo. Ala singko natapos ang last subject namin pero eto ako ngayon nag aabang ng jeep pauwi sa Apartment. Nagugutom na'ko kaso wala akong dalang pera and pera ko nalang dito'y pamasahe if i spend this wala na'ko pamasahe pauwi.

Ang tagal pa dumating ng mga jeep! Kung may dadating man ay punuan at siksikan na sa loob. Gusto ko nalang makapagpahinga ngayong araw. Makalipas ang ilang minutong pag i-intay sa wakas ay may huminto na ring jeep. Kaya agad-agad akong nakipag siksikan at unahan sa mga pasaherong nag a-antay din ng masasakyan dito.

"Ohh, Ba't ngayon ka lang bakla? Akala ko ba ala cinco ang out mo? Anong oras na mas nauna pa'ko sa'yong makarating." bungad ni Ghade sa'kin pagkapasok na pagkapasok ko kaagad sa loob ng apartment.

"Inintay ko pang tumila ang ulan." sambit ko nalang at nagtungo sa kusina. "Anong pagkain meron tayp?!" sigaw na tanong ko to make sure na narinig niya ang tanong ko.

"May dinuguan dyan sa loob ng oven!" binuksan ko ang mini oven namin na katabi lang ng ref at bumungad sa'kin ang favorite kong dinuguan na mainit-init pa. Nagsandok ako ng kanin at kinuha ang dinuguan saka ako naupo sa may lamesa. 'Di ko pa pala nailalapag ang bag ko.

So i just put it beside of my chair. "Gutom na gutom yarnn." Saad ni Ghade na pumasok sa loob ng kusina.

"Tagal ko kayang nag intay na tumila ang ulan doon. Im going to call you sana para mag pasundo sa harap ng building namin kaso my phone shut down." ani ko matapos lunukin ang kinakain.



"Ba't naman kasi wala kang dalang payong?" tanong nito at naupo sa aking harapan at ipinatong ang dalawang kamay sa ibabaw ng lamesa.

"Nakalimutan ko eh," saad ko at patuloy lang sa pagkain.

"Oo, nga pala. Gusto mo sumama sa may fiesta sa linggo?" sambit ni Gheda at tumayo para kumuha ng tubig.

"Saan naman?"

"Sa may Kasillio Street. Fiesto roon sa linggo eh. Tara punta tayo, san tabi mo muna lahat ng gagawin sa linggo makiki fiesta tayo." saad nito at muling naupo sa aking harapan hawak-hawak ang isang baso ng tubig.

Inagaw ko ang hawak na baso nito saka ininom ang laman nitong tubig. "Kapal talaga ng mukha nito eh, ayaw kukuha ng sariling tubig." Gheda said and rolled her his eyes.

"Nasaan nga pala si Annis? Nandito naba 'yun o wala pa?" tanong ko kay Gheda habang nilalagay sa lababo ang platong pinagkainan.

"Wala pa, ako ang unang nakauwi rito sa condo. Akala ko nga nandito kana dahil ikaw naman palagi ang unang nakakauwi pero gulat ko kanina walang katao-tao."

"B'wisit kasing ulan 'yan eh." gigil kong saad sa hangin. Mahina namang natawa si Gheda.

"Katangahan mo rin kasi alam na uulan ng hapon kinalimutan mo paring magdala ng payong."

Napasinghal nalang ako at kinuha ang bag ko saka binitbit palabas ng kusina hanggang sa aking silid. Iniwan ko roon si Gheda mag isa, pagod na'ko gusto ko nang magpahinga ngayong gabi. Kaya naman pagkahigang-pagkahiga ko palang ay mabilis kaagad akong nakatulog dahil sa pagod ngayong araw.

It is friday morning when i wake up and it's already nine o'clock. Ang haba pala nang aking naitulog dahil sa pagod kahapon. Buti nalang at isang subject lang ang meron ako ngayon at mamayang alas dos pa 'yun ng hapon. Good to know.

I rubbed my eyes when i stand up humikab-hikab pa ako bago lumabas ng aking k'warto. Nadatnan ko naman na nandoon si Annis nakaupo sa may sofa habang busy sa panonood ng kung anong pelikula.

Napatingin 'to sa'kin pag labas ko ng pinto. "Haba ng tulog natin ah, pagod yarnn?!" saad nito Annis habang nakangiti at may halong ngisi. Hanggang ngayon ay inaantok pa rin ako. Gusto ko pang matulog kaso may mga gagawin pa pala akong assignment at mag r-review pa'ko para sa long quiz namin mamaya.

Scary pa naman ang teacher namin dyan kapag wala kang naisagot sa papel mo, pupunitin niya 'yan nang walang pakeelam, kaya need mo mag study if you want to get high grade.

Wala na si Ghade ngayon dahil paniguradong nasa school nayon ngayon dahil may pasok pa'yon ng eight ng umaga, ayon pa naman ang pinaka ayaw ko morning classes. Need mo pa gumising ng maaga.

"Sasama kaba sa'min ni Ghade sa linggo? Makiki fiesta tayo sa may Kasillio street?" tanong ni Annis na nakatingin sa may pinapanood.

"'di ko pa sure, tinatamad ako eh. Gusto kong matulog mag hapon para naman makabawi-bawi ako sa mga kulang kong tulog." sagot ko rito at naglakad papunta sa kusina para kumuha ng makakain. I bring my food to my room, pagbalik ko sa loob ng k'warto ko'y nilapag ko ang pagkain ko sa may study table.

Naghilamos muna ako bago nagpalit ng comfortable clothes at naupo sa harap ng study table. I open my loptop at nagsimulang mag tipa ng gagawin kong presentation para mamaya. I need to present this later for our research.

It took me thirty minutes bago ko ma finalize our research. Saka ko naman kinuha ang reviewer ko para mag review para mamayang quiz. Hindi p'wedeng bumagsak ako. Running for Latin honor pa naman ako.

Im busy studying when someone knock at my room door. "Lucas Mathew Verhela!" sigaw ni Annis mula sa kabilang banda ng pinto saka ito binuksan at inilawit ang ulo sa pintuan.

"What?" iritang tanong ko dahil na istorbo ang pag-aaral ko.

"Ano 'di ka kakain? Anong oras na, look almost twelve o'clock na." tanging saad nito at muling sinara ang pinto ng k'warto ko.

Kinuha ko ang cellphone ko para tingnan ang oras. Nanlaki naman ang mata ko nang makitang alas dose na. Akala ko'y nag bibiro lang si Annis. Hindi ko namalayang alasdose na pala, 'di man lang ako nakaramdam ng gutom dahil busy ako sa pag-aaral.

Maaga akong umalis sa apartment. Pagtapos na pagtapos ko palang na kumain nag ayos kaagad ako ng sarili at pumasok sa School. Ngayon, i make sure na may dala na'kong payong at full charge ang cellphone ko. Maaga akong nakarating sa school dahil nga maaga akong nakaalis sa apartment.

Mag o-one thirty pa nga lang kaya naglakad na'ko papunta sa building namin ngunit naka salubong ko naman si Professor Lake. "Mr. Verhela." tawag nito sa'kin gamit ang apelyido ko.

Yumuko ako para magbigay galang. "Yes, po sir?" kunot noong tanong ko rito. May dala 'tong envelope na brow saka iyon inaabot sa'kin.

"P'wede bang makisuyo sa'yo na dalhin mo 'to sa Architecture Building sa may head office. Salamat." saad nito na hindi man lang hinintay ang permisyo ko't bigla nalang akong tinalikuran at naglakad pabalik sa Building.

Napabusangot nalang ako at walang choice na naglakad papunta sa Architecture Building. Naglalakad ako sa may ground ng building ng may mapansin akong isang bagay na nasa sahig. Nilapitan ko ito at dinampot ang isang Architecture Id.

Aron Carl Ruan

Basa ko sa pangalan ng may ari ng Id nito. Mukhang ilang araw na ang id na'to rito sa ground dahil halatang ilang beses na 'tong naulanan dahil malabo na ang mga ibang letra at ang iba'y 'di na mabasa ang tanging pangalan nalang nito ang maayos na mababasa mo pati na rin ang department nito.

May picture ito ngunit 'di ko gaano maaninag dahil basa na ang kalahati ng mukha nito ngunit kahit 'di ko nakikita pa ang buong pagmumukha ng may ari ng id nato. I know he's handsome, halatang-halata naman sa picture nito sa Id.

Ibinulsa ko ang napulot na id at nagmadaling nag lakad papunta sa Architecture Building at dinala ang brown na envelope na'to. One fifty three na kaya halos tumakbo na'ko pabalik sa aming building hanggang room kaya habol hininga akong pumasok sa loob ng classroom.

Buti nalang at wala pang professor sa loob kaya nakahinga ako ng maluwag. Naupo ako sa aking upuan sa may tabi ng bintana. Our class started hanggang sa dumako na kami sa Quiz. Madali lang ang quiz kaya confident akong ma p-perfect ko 'yun.

Four twenty na nang makalabas kami at matapos ang klase. "U-uwi kana Luc?" tanong ni Lena katabi ko sa classroom also my friend.

"Yap." sagot ko saka ngumiti.

"Mamaya na, sama ka sa'min let's hang up tonight." paanyaya sa'kin ni Lena na inilingan ko. Hindi dahil sa pagiging kj ngunit dahil 'di ako umiinom at nag wawalwal. Hindi pa nga ako nakakapasok sa bar sa buong buhay ko. Hindi ko pa rin natitikman ang lasa ng alak o kahit na ang sigarilyo.

"Hindi ako p'wede eh, 'di ako mahilig sa mga ganiyan." saad ko saka napakamot ng batok.

"Sayang naman pero okay lang!" sambit nito saka ngumiti sa'kin. "Sige mauna na'ko ingat." saad nito saka naglakad palabas ng classroom.

"Lucas." tawag ni Hana sa'kin mula sa aking likuran kaya napalingon ako sa kaniyang gawi at napataas ng isang kilay. "P'wede bang makahiram ng reviewer ko?"

Tumango naman ako saka hinalungkat ang bag ko. Hindi ko 'to makita kaya inilabas ko muna ang ilang gamit ko sa table ko't bago ko nakita ang hinihiram nito. Binigay ko naman 'to sa kaniya.

"Thanks, Balik ko sa'yo sa monday. Hindi ko kasi talaga maintindihan 'yung lesson eh baka eto makatulong sa'kin to understand our lesson." ani nito saka kumaway sa'kin at naglakad palabas ng room.

Binalik ko naman ang mga gamit ko sa loob ng bag ko bago ako umalis ng room. "Ghade!" tawag ko rito nang makita 'tong naglalakad mula sa kanilang building, kaagad naman 'tong napalingon sa'kin saka kumaway.

Mabilis akong naglakad papalapit dito. "Uuwi kana?" tanong ko nang makalapit.

"Yun lang, mamaya pa'ko uuwi eh. Mauna kana muna or gusto mo sumama ka nalang sa'min." umiling-iling nalang ako saka nagpaalam na mauuna na'ko umuwi.

Ala cinco na'ko nakarating sa apartment. Pagpasok na pagpasok ko palang ay katahimikan kaagad ang sumalubong sa akin. Annis is nor here, nasaan kaya ang taong 'yun? Same lang naman kami ng schedule non ngayong araw. Baka nasa galaan din siguro.

Pumasok ako sa loob ng k'warto ko't nagpalit ng maayos na damit saka hinubad ko na rin ang sapatos ko kasama na rin ang medyas kaya ang sarap sa pakiramdam ang presko sa pakiramdam. Kinuha ko ang suot kong hinubad para ilagay sa labahan ngunit may nakapa akong isang bagay sa may bulsa ng pants ko.

'Yung id nakalimutan kong itabi, malalabhan ko pa sana. Kaya naman nilagay ko na 'to sa aking study table para roon itabi. Lumabas ako ng sala ko at kumuha ng mangunguya sa kusina habang nanonood ng magandang palabas.

Kumuha na rin ako ng juice na maiinom saka ako pumunta sa may sofa at binuhay ang t.v para manood. Naka neflix pala ang t.v 'to kaya walang chanel-chanel. Namili nalang ako ng movie na 'di ko pa napapanood.

"Hi im Aron Carl Ruan your night in shining armor. Nandito ako para protektahan ka mula sa panganib. My obligation is to keep you safe at stay away from the harm and danger." He said and come close to me and grab my waist. Saka nagdampi ang aming mga labi. His lips is so soft like a jelly. Hmmm, naungot nalang ako sa gitna nang aming paghahalikan when someone slapped at me.

"Nananaginip ka nanaman Lucas!" gising sa'kin ni Annis habang natatawa-tawa pa.

Kaagad naman akong napabangon mula sa aking pagkakahiga at napatayo ng tuwid. Anong klaseng panaginip 'yun? Aron Carl Ruan hindi ba 'yun 'yong pangalan nong napulot kong id? Weird? bakit naman napadpad 'yon sa aking panaginip?

"Anong napapaniginipan mo ha? Bakit ka ngumunguso, umuungot-ungot kapa. Siguro may ka s"x ka sa panaginip mo ano." pang aasar ni Annis na binato ko naman ng unan.

"Kadira ka! Yuck." saad ko at hinampas 'to ng unan.

"Deny pa si Bakla eh. Ano masarap ba?" patuloy nito sa pang aasar habang utas na sa kakatawa.

"Bahala ka nga sa buhay mo." padabog akong pumasok sa loob ng k'warto ko at iniwan doon si Annis na tumatawa.

Naglakad ako papalapit sa may study table ko at naupo roon. Kinuha ko ang id card na napulot ko kanina. Sino kaba talaga Aron Carl Ruan?

Binuksan ko ang laptop ko at tinype ang Aron carl ruan sa Facebook baka sakaling may lumabas ngunit mga fake account naman ang naroroon ang iba nama'y mga walang profile picture kaya 'di ko malaman kung alin ang acc niyo roon.

I just stare at his id picture tuyo na ang picture nito kaya medyo kita na ang kalahati ng mukha nito ngunit ang ibang parte ng mukha nito'y burado na sa id dahil sa pagkakabasa nito.

Sunday Morning

"Oyy, bakla sumama kana sa'min mamaya sa fiesta, dali na 'wag kanang maging kj jan te. Promise mag e-enjoy ka roon, i Swear maraming chupapi." pangungumbinsi sa'kin ni Ghade na sumama mamaya sa kanila sa Fiestahan sa Kasillio street.

Hindi ako umimik at patuloy parin na pumikit at hindi bumangon sa pagkakahiga. "Baklaa! Dali na sumama kana mamaya." pamimilit sa'kin ni Ghade habang niyuyug-yug ako. Kanina pa 'to rito pinipilit akong sumama sa kanila ma miesta.

"Kayo nalang, kasama mo naman si Annis. Kayo nalang ang mamiesta mamaya. Gusto kong matulog mag hapon para masulit ko ang araw na'to. This is my rest day." tugon ko sa kanina pa nitong pangungulit sa'kin.

"Dali na sumama kana, mas masaya kung kasama ka ehh." saad nito at patuloy pa rin ang pagyug-yug sa'kin para pilitin at kubinsihin akong sumama sa kanila. Ilang oras na'kong ginagambala ng isang 'to kakapilit na sumama ako kaya. Wala akong choice 'di naman 'to titigil hanggat hindi ako pumapayag kaya sa bandang huli'y pumayag na rin ako sa gusto nito.

"Oo na sasama na'ko, lubayan mo na ako ngayon." sambit ko nalang.

"Yesss, sabi mo 'yan ha. Sasama ka sa'min mamaya." saad nito at ngiting tagumpay na naglakad papalabas ng k'warto ko. Napabuntong hininga nalang ako at isinub-sub ang mukha sa unan.

Alasais nang umalis kami sa may Apartment. Kaming tatlo ang magkakasama para ma ki fiesta sa kastillio Street. Malapit lang naman 'yun dito isang beses kalang sasakay ng jeep at baba kana sa Kastillio Street katabi naman nito'y ang sementeryo.

Saktong paglabas namin sa kalsada'y may dumating na jeep kaya maaga kaming nakarating sa Kastillio street. Pagbaba na pagbaba palang namin sa jeep alam mo na kaagad na fiesta rito dahil sa mga bandiritas na mga nakasabit. Maingay ang lugar at parang may mga nagkakagulo.

May mga paputok rin akong naririnig at mga tambol sigawan ng mga tao. Parang ayoko nang tumuloy p'wede bang umuwi nalang ako. Gusto ko sanang sabihin 'yan sa falawa ngunit alam kong hindi naman ako papayagan ni Ghade.

Hinigit ni Ghade ang kamay ko papasok sa Baranggay kasunod naman namin si Annis na busy kakatingin sa mga gwapong nakakasalubong.

Nagpatuloy si Ghade sa paghila sa'kin hanggang sa siksikan na mga tao'y hinigit ako ni Ghade nawala naman sa'king tingin si Annis. Asan na kaya ang isang 'yun?

Tumigil si Ghade sa paghila sa'kin at napadpad kami sa malawak na basket ball court at may peryahan sa may gilid nito may mga circus din na nag p-perform. Sa may harap naman ng curcus ay may isang malaking lamesa na punong-puno nang pagkain na p'wedenf kainin ng lahat.

Napalingat-lingat ako dahil naramdaman kong biglang nawala si Ghade sa aking tabi kaya sinubukan ko itong hanapin ngunit bigo ako dahil sa rami nang taong naririto. Nakipagsiksikan ako sa mga tao para hanapin ang dalawa ngumit 'di ko nahanap ang mga ito.

Napadpad ako sa gilid nang mga nagkukumpulang mga tao kung saan walang gaanong tao kaya nakahinga ako ng maluwag. Sa isang sulok ay may hagdan pataas patungo sa may isang puno roon. Naisipan kong umakyat sa hagdan papalapit sa malaking puno.

Namangha ako sa aking nakita. Kitang-kita rito ang mga ilaw ng bawat bahay. Naupo ako sa may tabi ng puno at pinagmasdan ang mga nagliliwanag na mga ilaw. Habang dinadam-dam ang lamig ng simoy ng hangin na dumadampi sa aking balat.

Ramdam ko ang isang lalaking tumayo sa kabilang side ng puno. 'Di ko nakita ang mukha nito ngunit kita ko ang katawan nitong naupo sa tabi rin ng puno habang pinagmamasdan ang nag gagandahang ilaw.

Hindi ako umimik hinihintay kong magsalita ito ngunit hindi ito nagsalita, tumayo ito mula sa kaniyang kinauupuan at naglakad papalapit sa may view. Kaya likod nito ang kita ko, napatingin lang ako rito. Nahaharangan nito ang magandang view, panira.

"Ehemm." hindi man lang 'to gumalaw o lumingon kahit na tugon, nanatili lang 'to sa kaniyang kinatatayuan. "Ehemmm, baka p'wedeng tumabi tabi ka. Nahaharangan mo ang view." saad ko rito.

Gulat 'tong humarap sa'kin at biglang itinuro ang sarili niya. "A-ako ba ang kinakausap mo?" gulat na tanong nito.

Mahina naman akong natawa na may halong pagkairita. "Malamang! Sino paba kakausapin ko rito, multo?!" iritang wika ko rito at napairap sa hangin. "P'wede bang tumabi-tabi ka? Nahaharangan mo kasi 'yung view ehh."

"Ahh o-okay." tugon nito na parang gulat na gulat kala mo'y nakakita ng multo. Umalis naman 'to sa kinatatayuan niya at tumabi sa gilid. Madilim ang paligid kaya hindi ko maaninag ang mukha nito.

Ilang minuto akong nanatili rito hanggang sa napagdesisyonan kong bumaba na. Pagtayo ko'y at pagikot nakita ko ang lalaking ito na nakaharang sa view kanina na naka upo sa likuran ko habang nakatitig sa'kin. Adik ba 'to? Bakit 'di ko man lang naramdaman ang pag upo nito sa likuran ko.

Iniwan ko ito roon sa taas at naglakad pababa ng hagdan. Sa baba'y nanibago ako dahil sa liawanag. Doon ko rin napansin na parang may nakasunod sa'kin kaya humarap ako sa aking likuran.

But? in my shock. nagulat ako nang makita ang mukha niya sa liwanag. I-its him! Siya diba 'yung lalaking may ari nung Id?

"Ohh, ba't parang gulat na gulat ka jan? Ano kilala mo naba ako?" saad nito na natatawa.

"A-aron Carl Ruan ba ang pangalan mo?" tanong ko rito para i clarify kung siya nga ba 'to. Dahan-dahan itong tumango.

"Yes, that's my name. Alam mo ang nangyari sa'kin?" taas kilay na tanong nito.

"Huh? Anong nangyari?" takang tanong ko rito. "anong pinagsasabi mo?" kita ko sa mukha nito ang pagkalito rin. "Nababaliw kana ata." i said and laugh a bit.

"H-how did you know me?" curious na tanong nito.

"Napulot ko id mo nung friday eh, sayang 'di ko na dala sana naibigay ko na sana 'yun sa'yo ngayon."

"No, need hindi ko naman na kailngan pa 'yon. Tapon mo nalang." sagot nito at tumalikod sa akin.

Tumalikod na rin ako at sinubukan muling hanapin ang isa sa dalawa. Nakipag siksikan ako sa maraming tao na halos maipit ako sa sobrang sikip para lang mahagilap ang dalawa ngunit bigo pa rin ako.

Pagod na ako kaya napagdesisyonan ko nalang na umuwi mag isa. Bahala na ang dalawang 'yun. T-text ko nalang sila kapag nakauwi na'ko dahil nasa apartment ang cellphone ko. Iniwan ko dahil baka mamaya mawala pa.

Sasakay na sana ako ng jeep na maalalang wala nga pala akong dalang pamasahe dahil si Ghade ang namasahe sa'kin papunta rito. Ayoko na naman na bumalik pa sa kumpulan na mga tao kaya naglakad nalang ako pauwi malapit-lapit lang naman 'yun.

Magisa akong naglalakad sa gilid ng high way madilim ang paligid dahil mga hindi gumagana ang street light na nandito. Kaya ang dilim nang paligid. Isang street light ang tanging may ilaw pagtung-tong na pag tung-tong ko roon ay halos mahimatay ako nang biglang sumulpot sa isang sulok si Aron.

"Ahh puta ka!" sigaw ko sa gulat dahil sa biglaang pagsulpot sa isang sulok nito. Natawa naman si Aron dahil sa naging reaksyon.

"Anong ginagawa mo rito?" tanong nito sa'kin.

"pauwi na'ko." sagot ko.

"Ba't ka naglalakad? Ayaw mo ba mag biyahe? Siguro'y malapit lang ang bahay mo rito." saad nito saka pinag cross ang kamay.

"Wala akong pamasahe dahil wala akong dalang pera, saka medyo malapit-lapit lang naman ang apartment ko rito." tugon ko naman dito at nag simulang mag lakad. Pansin ko namang nakasunod si Aron sa'kin hanggang pumantay rin 'to sa'king paglalakad.

Sinabayan ako nito sa paglalakad kaya medyo hindi ako natatakot dahil may kasama akong salubungin ang dilim. Napalingon ako sa gawi nito. Naalala ko nanaman tuloy ang panahinip ko. His lips dumako roon ang tingin ko, maputla 'yon ngunit mababahid doon ang kalambutan nito.

His perfect jawline na hugis na hugis. Ang tangos din pala ng ilong nito. Im busy staring at his face for no reason when he suddenly look at me. Our eyes met, hindi ko alam kung bakit ganon nalang ang bigla kong naramdaman. Parang may kakaiba.

Biglang bumilis ang pagkalabog ng dibdib ko na halos parang marindi ako sa lakas noon. I feel my body gets numb, ano 'to? Ano 'tong nararamdaman ko. We stare for almost a minute hanggang sa ako na ang unang lumihis sa aming pagtititigan. But it has aftershock dahil even we're not staring i still feel that unfamiliar feeling to me.

Hanggang ngayon ay nakikita ko parin ang mukha niya sa isipan ko habang naglalakad. Hindi ko alam kung anong nararamdaman ko ngayon. Sari-sari parang pinag halo-halo.

"I know you, matagal na. since grade 8." saad ni Aron na nagpatigil sa'kin sa paglalakad at napatingin sa'kaniya.

"Matagal mo na akong kilala?" manghang tanong ko.

"Yes, simula pa noong grade 8. Crush na crush kita noon." nanlaki naman ang mga mata ko sa kaniyang sinabi.

"d-don't tell me ikaw 'yung bastos na lalaking nanghigit sa'kin sa loob ng cubicle noon saka ako hinalikan sa labi sabay takbo?"

Napakamot ito sa batok niya habang nakangiti. "oo, ako nga hehe." nahihiyang saad nito sa'kin at nakayuko.

Im having fun talking at him. His fun and silly. Talkative person that's how i can describe me sa paglalakad namin hanggang sa makarating na kami sa may apartment nang hindi ko man lang napapansin.

"Pasok ka muna sa loob. Wala naman pa naman 'yung iba ko pang ka room mate." paanyaya ko sa kaniya ngunit tinanggihan niya lang.

"Hindi na, mauna na'ko." saad nito habang nakangiti. Ngiting 'di ko akalaing ngayon ko lang makikita at hindi na kailan man pa mauulit.

The way he smiled was different parang may halong sakit at kirot ang kaniyang mga ngiti. Parang ngiting masaya na may takot. I shrugged my head dahil kung ano-ano nanaman ang aking naiisip.

"Bye, Take care see you again." saad ko'y kumaway-kaway sa kaniya habang nag lalakad na ito palayo. He didn't response but wave at me. Pagpasok na pagpasok ko palang sa loob ng apartment binaloot kaagad ako ng kalungkutan sa 'di malamang dahilan.

Pumasok nalang ako sa k'warto at kinuha ang cellphone ko para i text and dalawa na nakauwi na'ko. Binalik ko muli ang cellphone ko sa study table at doon ko napansin ang Id ni Aron. Napangiti naman ako nang makiti 'yun. Itatago ko nalang 'to.

Nahiga ako sa aking higaan at napatitig sa kisame. Hanggang ngayon 'di parin mabura-bura sa isipan ko ang mga ngiti ni Aron. Kakaisip sa kaniya nakatulog na pala ako na nakangiti.

Months Had past

Ilang buwan na ang nakalipas simula nang huling pagkikita namin ni Aron at hanggang ngayo'y 'di ko pa rin siya nakikita.

"Tulala ka nanaman jan" saad ni Ghade at tinapik ang likod ko. "Mukhang malalim ang iniisip mo ah. Problema natin?" tanong ni Ghade.

"Wala." Simple kong sagot.

Anim na buwan na 'di ko na siya nakikita. I miss him.

"Ohh, okay kalang ba talaga? Bakit naiyak kana?" ani ni Ghade habang nakatingin sa'kin. Hindi ko na pala namamalayan na natulo na ang mga luha ko.

"Okay lang talaga ako." saad ko habang nagpupunas ng luha.

"Ano ba talaga ang nangyari sa'yo bakla bakit ka nagkaganyan. Nagsimula lang naman 'yan nung sinama ka namin sa Fiestahan. May nangyari bang masama sa'yo roon? May nangbug-bug ba sa'yo or some one harass you?" alalang tanong ni Ghade saka ako niyakap.

Mas lalo naman akong napaiyak dahil doon. Ghade dried my tears. "Tell me what's wrong." but i remain silent.

Tumayo ako at mabilis na tumakbok palabas ng apartment pupunta ako kung saan kami unang nagkita sa may malaking puno! Baka nandon siya nag i-intay sa'kin. Iniintay akong dumating doon.

Kaya dali-dali akong sumakay ng jeep kahit wala akong stinelas o kahit na dalang pera pamasahe pero wala akong pake. Pero pa'no kung pagkarating ko roon, makita ko siya na may kasamang iba? Masaya na sa piling ng iba? Kaya siguro hindi na siya nagparamdam pa kasi masaya na siya?

Hindi ko maiwasang mag isip-isip nang kung ano-ano. Kung saganon nga ang mangyari gusto ko lang siyang makita kahit saglit lang. Ilang minuto ang nakalipas ay nakarating ako sa Kastillio Street mabilis na bumama sa jeep nang hindi man lang nag babayad ng pamasahe. Dinig ko pa ang sigaw ng driver ng jeep, ngunit mabilis akong tumakbo patungo sa lugar kung saan kami unang nagkita.

Pagkarating ko roon nanlumo ang aking katawan. Naglakad ako papalapit sa may tabi nang puno at napaluhod doon. He's not here. Nag umpisa na namang pumatak ang mga luha ko.

His not here!

" Where are you Aron!" sigaw ko habang umiiyak at patuloy na bumubuhos ang mga luha. "magpakita ka please! Kahit saglit lang!" sigaw ko sa hangin na halos ikapiyok ko pa dahil sa aking sabay na pagiyak.

Tumayo ako na bagsak ang balikat at parang pinagsakluban ng langit-lupa. Nanlulumo akong humakbang paalis sa lugar na 'yun na walang pag asa pang makita siyang muli. Pababa na'ko ng hagdan ng may mahagip ang aking mga mata.

"Aron!" tawag ko sa pangalan nito ngunit mabilis itong nawala. Tumakbo ako para maabutan 'to hanggang sa makarating ako sa may high way. Lumingon-lingon ako para hahilapin ito nakita ko ang likod nitong naglalakad papalayo kaya mabilis akong tumakbo papalapit rito. Sa aking kakahabol kay Aron hindi ko namalayang nakaabot na pala ako sa harap ng sementeryo.

Magpapatuloy sana ako sa pagtakbo nang makita ko siyang nasa loob ng sementeryo habang kumakaway sa'kin at sumenyales na hanapin mo'ko at mabilis itong tumakbo para magtago.

Napangiti naman akong tumakbo papasok sa sementeryo para hanapin siya. Nilibot ko ang buong sementeryo ngunit hindi ko siya mahagilip. Saan kaba nagtatago Aron?

Halos magkanda hingal-hingal ako sa pagtakbo para hanapin siya, ngunit hirap akong hanapin siya. Mahigit nalibot kona ang kabuuan ng sementeryo'y 'di ko pa rin siya nahahagilap.

Until? I-i saw him. A-aron? ikaw ba 'yan? tanong ko sa hangin habang nakangiti nang mapait kasabay nito ang sunod-sunod na pagpatak ng mga luha sa aking mga mata.

Aron na miss kita? p-pero bakit 'di mo sinabing nandiyan ka lang pala? Saad ko habang umiiyak at hinahaplos ang malamig na bato kung saan naka sulat ang pangalan niya.

R.I.P

Aron Carl Ruan

Born: December 18, 2003

Died: November 15, 2023

Unti-unting napaluhod ako sa harap ng kaniyang puntod. N-noo! It can't be! Hindi p'wede he's alive!

"A-aron! B-bakitt!" sigaw ko habang patuloy parin sa pagiyak. Halos manlabo na ang aking paningin dahil sa mga luhang patuloy na pumapatak. B-bakit naman ganito?

Napatakip ako ng bibig dahil sa sakit na nararamdaman. I want to hug you so badly. I want to see your smile. I want to hear you laugh. I want you here?A-aron.

Why did you leave me?!

W-why?

Ramdam ko ang panghihina nang katawan ko dahil sa nararamdaman ko ngayon. I sit down at the floor saka ko niyakap ang puntod nito. Habang tuloy-tuloy ang pagbagsak nang mga luha ko.

G-gusto kitanf makasama? Gusto ko nasa tabi lang kita? i wanna feel your touch? your kiss?your care to me.

I want it all! I want you Aron! B-but why did you leave me?! You're so unfair!

I will cherish it the moment wre met.

May 15, 2024 latest news, a boy died because of hit and run.

R.I.P

Lucas Mathew Verhela

Born: February 20, 2004

Died: May 15, 2024

THE END

Please rate my story

Start Discussion

0/500